Thursday, February 26, 2009

Bakit Masaya Ang Hip-Hop Noon...

Bakit Masaya Ang Hip-Hop Noon...
by: 2dy (Block Propaganda)
First published on February 21, 2009 via Sigaw ng Tundo (www.sigawngtundo.tk)

dati ang pormang hiphop, pagandahan ng gear, di pa masyadong uso mga pirata at bibihira lang na may makita ka na kamukha ng damit mo... ngayon ang pormahan kung nakatalikod, parang nakauniporme. dati solid yung "brotherhood" basta may nakita ang hiphop na may gumugulo sa hiphop, lalo na kung "metal" or "punks" ang umuupak... sugod agad ang mga hiphop... ngayon, hiphop sa hiphap ang naglalaban. dati di pwede ang pwede na lyrics dapat lahat may substance, ngayon ang alam ng bata na gangster rap ay gagong rapper. dati ang hiphop practioner ay pinagaaral ang ugat ng kultura, ngayon pinapanood na lang sa youtube ang mga videos tapos gagayahin. dati ang hip-hop ay way of life, ngayon... halos porma o fashion statement na lang. dati malupit kung rapper ka, ngayon tingin ng kabaranggay mo eh addict o tambay ka. ..

dati para matawag kang rapper ay kailangan dumadayo ka sa mga rap contest o mag guest sa mga fiesta o school programs, ngayon bili ka lang ng matinong PC pwede ka na maging rapper. dati you represent your homeboys... ngayon ang homeboy ay alalay na lang. dati ang tugtugan ang progresibo, may sense, may kabuluhan at katotohanan lang... ngayon puro pag-ibig at fantasy ang banat...

dati masaya ang hiphop, ngayon kailangang umarte na matigas o matapang. dati di matatakpan ng beat ang ganda ng lyrics, ngayon natatakpan ng beat ang lyrics. dati sruggle, ngayon pwede na instant fame...

dati maturity in harmony ang turo ng hip-hop... di pa rin nag bago yan... ngayon ang hip-hop tawag nila gangsters...
dati alam ko na maganda ang hip-hop, ngayon alam ko na maganda ang hip-hop...


mabuhay ang old school... :D

---2dy (Block Propaganda)
Source: 2dy's Blog at www.sigawngtundo.tk

Disclaimer: The above article is solely the views and opinion of the above writer (2dy, of the Block Propaganda). This site, Rapista | Pinoy rap at its finest! (www.rapista.blogspot.com) and/or madshock does not reflect and/or represent the views, opinion of the above written article in any part or whole nor does it own any right whatsoever. Respect the opinion of others. Published with permission from the author (2dy of Block Propaganda).
Post a Comment