Monday, February 9, 2009

Pinoy Hiphop Gangsta? Never A Reality...

Pinoy Hiphop Gangsta? Never A Reality...
by: 2dy (Block Propaganda)

Mga Maling Paniniwala tungkol sa GANG

Pro-protektahan ako ng aking GANG, at ako ay ligtas.

Mali ito, kung akala mo magiging protektado ka sa mga siga ng eskwelahan at mga kalaban na gang ay nagkakamali ka. Bilang kasapi ng isang GANG ay tataas ang posibilidad na ikaw ay maging target ng kalabang Gang. Mas malaki din ang posibilidad na ikaw ay masaktan o mamatay. Maraming gustong magbago na miyembro ng Gang, ngunit nahirapan sila magbago. Marami din na KICK OUT o huminto sa pag-aaral dahil sa GANG. Ang labanan ng GANG ay walang kasiguraduhan sa loob at labas ng eskwela o sa mga daanan o sa kalye, di sigurado na ligtas ang bawat kanto at kahit umalis ka na sa GANG ay maaalala ka pa rin ng kalabang grupo at maari kang saktan o patayin.

Rerespetuhin ako ng ibang tao pag ako ay nasa GANG

Mali ito, ang repeto sa GANG ay takot. Pagpasok mo pa lang sa gang ay uutusan ka na gumawa ng masama para makakuha ka ng reputasyon o takot para sa iyo, walang respeto sa ganun. Ang respeto ay makukuha lamang sa tamang paggamit ng pinag-aralan at mga napatunayang tagumpay sa buhay. Madaling mawala ang “respeto” sa GANG, kung hindi niya naipagtanggol ang sarili sa mga tao na bumastos sa kanya. Ang ganung uri ng respeto ay napakababaw.

Magkakaroon ako ng maraming kaibigan pag sumali ako sa GANG

Tama, magkakaroon ka ng mga kaibigan, ngunit magkakaroon ka rin ng maraming kaaway. May mga dating kaibigan na hihiwalay sa iyo dahil ikaw ay kasapi sa GANG. Magiging pili na lamang ang iyong mga kaibigan. Ang kaibigan ay isang tao na hindi ka pababayaang mapasama at iintindi sa iyo. Sa GANG, uutusan ka sa ngalan ng loyalty na maari kang mapahamak, hindi ito tunay na kapatiran.

Ang GANG ay parang pamilya lamang

Mali ito, walang pamilya ang magtuturo sa iyo gumawa ng masama o ipahamak ang iyong buhay para makaramdam ng pagmamahal. Ang tunay na pamilya ay tatanggapin ka kahit sino ka man. Kung may problema ang iyong pamilya, hindi sulusyon ang pagiging isang myembro ng GANG. Malaki ang tyansa na ikaw ay mapahamak at ang iyong pamilya ay makakaramdam ng hinanakit dahil sa iyo. Hindi ka rin magiging magandang halimbawa sa iyong mga nakababatang kapatid o kapamilya. Hindi mo makikita ang pagmamahal ng pamilya sa GANG. Hindi lamang ikaw ang napapahamak o pwedeng saktan sa GANG, kasama na rin ang mga mahal mo sa buhay.

Magkakaroon ako ng maraming pera sa GANG

Karamihan ng kumita sa GANG dahil sa mga di tamang paraan ay panandaliang yaman. Ang tunay na paraan para yumaman ay magkaroon ang edukasyon at tamang diskarte sa buhay.

Hindi ako pwedeng kumalas sa aking GANG

Mali ito. Araw-araw sa buong mundo, marami ang umaalis sa kini-kanilang GANG. Maling paniniwala na ang tanging paraan para kumawala sa gang ay kamatayan. Marami ang dating GANG members na namumuhay ng normal ngayon. Minsan ay kailangang lumipat ng lugar para makapagsimula muli. Madaling pasukun ang GANG, pero mahirap lumabas dito.

Ang pag-iwas sa mga GANG ay ang pinaka-epektibong paraan sa lahat.

hip-hop is all about love, sharing and culture of peace... there is no place for violence as the founding fathers of hip-hop used this culture to avoid bloodshed.

sa lahat na nagsasabi na hiphop gangster sila, ito lang ang masasabi ko, di kayo kikilalanin ng mga tunay ng gangster, at sa history nila ay wala kayong maiaambag doon.

may nagsasabi na sa ibang bansa ay kinikilala nila ang "lokal" gangster, maganda iyon, but still do we have the news from the big G? hindi, ano contibusyon mo sa kanila? wala...


sana matigil na ang kahibangan ng kabataan dahil walang magandang nangyayari, ito ay

hate me if i am wrong...
that seldom happens...
---2dy (Block Propaganda)
Source: www.sigawngtundo.tk

Disclaimer: I have decided to re-post this article from 2dy (of the Block Propaganda) when I have read it. It interest me thinking that a guy from the deep hood of Tondo and one of the members of the Block Propaganda has written an article about his opinion about gangs. The above article is solely the views and opinion of the above writer (2dy, of the Block Propaganda).
This site, Rapista | Pinoy rap at its finest! (www.rapista.blogspot.com) and/or madshock does not reflect and/or represent the views, opinion of the above written article in any part or whole nor does it own any right whatsoever. Respect the opinion of others.

No comments: