Thursday, May 10, 2007

Rapista – pinoy rap at its finest!

The beginning… ang panimula….

Welcome to the rapista blog, this will showcase the latest and most interesting scene in pinoy rap including album launch, interesting rappers, latest rap songs, rap videos, rap albums available on the market and other stuffs involving pinoy rap. You can comment and encourage to speak of what you think about the pinoy rap scene or any article or entries posted herein but you are also encourage not to use any profane language. In short, bawal ang magmura dito.


Maari po ninyong sabihin ang kahit anong komento sa mga nakasulat o makipagtalakayan o kung gusto ninyong magpost ng mga artikulo ay makipagtulungan lamang o mag-iwan ng mensahe sa blogsite na ito. Nais ng munting blogsite na ito na mai-angat, makapagbigay-alam at maitalakay ang mga bago at interesadong diskursyo ukol sa mga pinoy rapista nasa Pilipinas man o nasa ibang bahagi ng mundo. Ito ay iniaalay, ginawa at iniuukol para sa mga taong hanggang ngayon ay patuloy na tumatalima at tumatangkilik sa pinoy rap. Matuto po sana tayong rumespeto sa opinion ng iba at iwasan ang siraan o pakikipagbangayan sa paggamit ng mga di wastong salita na nakakadumi sa pagkatao o pagtingin ng ibang maaaring makabasa nito. Maraming salamat po. Mabuhay ang rapistang pinoy! Mabuhay ang mga tumatangkilik sa musikang Pilipino.


Sa mga nais magbahagi ng artikulo o magpaskil:

Ang anumang suhestiyon o nais ninyong talakayin ukol sa pinoy rap ay maaari nating italakay. Kung nais nyo mang magsulat ng artikulo o bagay ukol sa pinoy rap na nais ninyong ibahagi sa mga makakabasa sa pamamagitan ng blogsite na ito, maaari po lamang na mag-iwan ng mensahe upang mailagay o maipaskil ang inyong nais sabihin o ibahagi. Huwag kalilimutan ilagay ang inyong impormasyon kung paano kayo makokontak tulad ng email.

Post a Comment