Lathala. Saloobin ng Rapista.
Sana lang hindi ginagamit yung motto ng Rapista na "Respeto Bago Mikropono" para lang i-print sa damit (upang ibenta) o gamitin na title sa kanta ng walang pahintulot. Kung marunong kang rumespeto sana mag-isip ka ng sarili mong idea hindi yung gagamitin mo pinaghirapan ng iba. Ang Rapista Website/Blogsite, Respeto Bago Mikropono, Logo ng Rapista ay naka-license gamit ang Creative Commons for non-commercial use at ang copyrights sa kahalintulad ay kailangang ihingi ng permiso mula sa may likha nito. Marahil ay nag-aaral ka pa at hindi mo pa alam 'to. Wala akong pake kung baguhan ka man. Nakaka-offend na ang ginagawa mo at ang isa pang nakakatawa e kasama ka pa pala sa isang production na sinusuportahan ko. Marahil ay hindi ito alam ng namumuno ng production nyo at ayokong umabot pa sa kung saan to na mawalan ako ng respeto sa 'yo o sa grupo mo o sa buong production nyo na hindi mo din nanaisin na mangyari o ng grupo mo na mangyari. Marahil hindi mo pa ko kilala at hindi mo alam kung ano man ang ipinaglalaban ko at kung ano ang hirap na ginagawa ko para lang sa inyong na nakikibang din sa nagawa ko na. Huwag kang magmaang-maangan na ito ay sarili mong idea dahil ang motto na yan ay matagal ng nakakalat at naka-ukit din yan sa ibang dogtag na inilabas ng Rapista, sa logo ng Rapista na nakikita mo din sa website ng production nyo, sa banners, event tarpaulines, albums. Huwag mong ginagamit ang Rapista o motto ng Rapista para lang i-angat ang grupo o sarili mo. Hindi ako magdadalawang isip na ipagtanggol ang Rapista para sa mga katulad mo.
Tahimik lang ako at bihirang pumuna sa mga nangyayari sa industriya. Sinabihan na kita at ayokong ilagay pa ang pangalan mo dito dahil alam kong mas malaking kahihiyan pag binanggit ko pa pangalan mo at lalong malaking kahihiyan kapag nalaman ng ibang production/camp o rapper na katulad mo na ikaw pala ay miyembro din ng production/camp na sinusuportahan ko. Sa tingin bakit ko to inilathala? Hindi ito para hiyain ka o ano pa man, pinipilit kong maging malumanay at iniiwasan kong isambulat ang aking saloobin sa pag gamit mo ng motto ng Rapista para sa sarili mong kapakanan. Kung marunong ka pang rumespeto sana matauhan ka na.Rumerespeto ka sa mga beterano at nauna sa tingin mo ba sino sa iyo at sa Rapista ang nauna? Ang Rapista ay itinatag ko noong May 10, 2007 at ang Rapista Playlist at gumagamit ng Imeem.com para sa pagpapatugtog ng mga Pinoy Rap na hindi rin ipinapahintulot na i-download. Ang Rapista Playlist ay nagsisilbingradyo o outlet upang mapakinggan ng mga may kahalintulad na interes sa Pinoy Rap. Marahil hindi mo pa alam yun at siguro e hindi ka pa mahilig sa Hiphop noon.
Sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa Rapista. Pakikalat na lang sa mga kapatid sa industriya. Huwag na sana tayong tumulad sa mga namimirata sa tabi-tabi na nakikinabang sa mga pinaghirapan nyo at ng iba upang pakinabangan para sa sarili nilang kapakanan ang pinaghirapan ng iba. Alam kong naiintindihan nyo ang ibig kong sabihin lalo sa mga nakaranas na nito at sa mga matagal na sa industriyang ito dahil sila ang buhay na saksi sa mga nangyari sa larangan na 'to. Marahil hindi ito nauunawaan ng pangkaraniwang tao na hindi naman naiintindihan ang nangyayari sa hiphop o ang salitang hiphop lalo na sa underground. Paumanhin din kung kinailangan ko pang maglathala ng ganitong sulatin. Sana maintindihan nyo na masakit para sa akin na magamit ang pinaghirapan ko. Kung kayo ang nasa kalagayan ko siguro maiintindihan nyo din ang nararamdaman ko. Salamat.
---madshock
Founder/CEO
Rapista | Respeto Bago Mikropono
Website/Blogsite: www.rapista.blogspot.com; www.rapista.tk
Twitter: www.twitter.com/rapista
Community: www.rapista.grou.ps; www.rapista.ning.com
No comments:
Post a Comment