Thursday, February 26, 2009

Bakit Masaya Ang Hip-Hop Noon...

Bakit Masaya Ang Hip-Hop Noon...
by: 2dy (Block Propaganda)
First published on February 21, 2009 via Sigaw ng Tundo (www.sigawngtundo.tk)

dati ang pormang hiphop, pagandahan ng gear, di pa masyadong uso mga pirata at bibihira lang na may makita ka na kamukha ng damit mo... ngayon ang pormahan kung nakatalikod, parang nakauniporme. dati solid yung "brotherhood" basta may nakita ang hiphop na may gumugulo sa hiphop, lalo na kung "metal" or "punks" ang umuupak... sugod agad ang mga hiphop... ngayon, hiphop sa hiphap ang naglalaban. dati di pwede ang pwede na lyrics dapat lahat may substance, ngayon ang alam ng bata na gangster rap ay gagong rapper. dati ang hiphop practioner ay pinagaaral ang ugat ng kultura, ngayon pinapanood na lang sa youtube ang mga videos tapos gagayahin. dati ang hip-hop ay way of life, ngayon... halos porma o fashion statement na lang. dati malupit kung rapper ka, ngayon tingin ng kabaranggay mo eh addict o tambay ka. ..

dati para matawag kang rapper ay kailangan dumadayo ka sa mga rap contest o mag guest sa mga fiesta o school programs, ngayon bili ka lang ng matinong PC pwede ka na maging rapper. dati you represent your homeboys... ngayon ang homeboy ay alalay na lang. dati ang tugtugan ang progresibo, may sense, may kabuluhan at katotohanan lang... ngayon puro pag-ibig at fantasy ang banat...

dati masaya ang hiphop, ngayon kailangang umarte na matigas o matapang. dati di matatakpan ng beat ang ganda ng lyrics, ngayon natatakpan ng beat ang lyrics. dati sruggle, ngayon pwede na instant fame...

dati maturity in harmony ang turo ng hip-hop... di pa rin nag bago yan... ngayon ang hip-hop tawag nila gangsters...
dati alam ko na maganda ang hip-hop, ngayon alam ko na maganda ang hip-hop...


mabuhay ang old school... :D

---2dy (Block Propaganda)
Source: 2dy's Blog at www.sigawngtundo.tk

Disclaimer: The above article is solely the views and opinion of the above writer (2dy, of the Block Propaganda). This site, Rapista | Pinoy rap at its finest! (www.rapista.blogspot.com) and/or madshock does not reflect and/or represent the views, opinion of the above written article in any part or whole nor does it own any right whatsoever. Respect the opinion of others. Published with permission from the author (2dy of Block Propaganda).

Wednesday, February 25, 2009

Pinoy Tripolantez Live Performance in Makati City


Gumalaw at Sumayaw (Remix)
Pinoy Tripolantez (Live Performance in Makati City)


Mapansin Mo Sana
Murda One feat. Oneway (Live Performance in Makati City)


Kriminal
Murda One (Live Performance in Makati City)


Pwersa ng Sta. Ana
Pinoy Tripolantez (Live Performance in Makati City)


Sandali
Pinoy Tripolantez (Live Performance in Makati City)

Thursday, February 19, 2009

Down Town Rap Contest 2009 (February 20, 2009)

Down Town Rap Contest 2009
(Showcase your talents, Prove your skills... see you there!)


with performances of: X-Crew, Damn Flow Krew, Hukbalahap, O.G. Sacred One, Braduzz, Tunay na Kulay, 7Baligtad, Oneway, Murda One, Curse One and many more...

What: Down Town Rap Contest 2009
When: February 20, 2009 (Friday)
Where: Lico St., Tondo, Manila (near at LRT Blumentritt Station and San Roque Parish Church in front of MetroBank and Lico Compac Police Dept.)

Quota:
Group or Solo - 150
Freestyle - 50

Prizes:
Champion - Cash Prize, Trophy, Certificate, Recording
2nd Place - Cash Prize, Trophy, Certificate
3rd Place - Cash Prize, Trophy, Certificate
Freestyle - Cash Prize, Trophy, Certificate, Recording

For more details and information and for the registration kindly contact this number's....
CALI ONE - 0929-821-4233
NERRAD - 0909-945-1274
B-RENT - 0915-982-2956

Showcase your talents, Prove your skills... see you there!

Friday, February 13, 2009

Soulful Melodies Launching

Soulful Melodies
with performances of: Blindrhyme, Tuesday Troop, 187 Mobstaz, and more.

Soulful Melodies will be launch @ Klasik Bar
Where: Klasik Bar, Sgt. Esguerra St., Quezon City
When: February 13, 2009 at 8:00 PM
Entrance Fee: 100

Monday, February 9, 2009

Pinoy Hiphop Gangsta? Never A Reality...

Pinoy Hiphop Gangsta? Never A Reality...
by: 2dy (Block Propaganda)

Mga Maling Paniniwala tungkol sa GANG

Pro-protektahan ako ng aking GANG, at ako ay ligtas.

Mali ito, kung akala mo magiging protektado ka sa mga siga ng eskwelahan at mga kalaban na gang ay nagkakamali ka. Bilang kasapi ng isang GANG ay tataas ang posibilidad na ikaw ay maging target ng kalabang Gang. Mas malaki din ang posibilidad na ikaw ay masaktan o mamatay. Maraming gustong magbago na miyembro ng Gang, ngunit nahirapan sila magbago. Marami din na KICK OUT o huminto sa pag-aaral dahil sa GANG. Ang labanan ng GANG ay walang kasiguraduhan sa loob at labas ng eskwela o sa mga daanan o sa kalye, di sigurado na ligtas ang bawat kanto at kahit umalis ka na sa GANG ay maaalala ka pa rin ng kalabang grupo at maari kang saktan o patayin.

Rerespetuhin ako ng ibang tao pag ako ay nasa GANG

Mali ito, ang repeto sa GANG ay takot. Pagpasok mo pa lang sa gang ay uutusan ka na gumawa ng masama para makakuha ka ng reputasyon o takot para sa iyo, walang respeto sa ganun. Ang respeto ay makukuha lamang sa tamang paggamit ng pinag-aralan at mga napatunayang tagumpay sa buhay. Madaling mawala ang “respeto” sa GANG, kung hindi niya naipagtanggol ang sarili sa mga tao na bumastos sa kanya. Ang ganung uri ng respeto ay napakababaw.

Magkakaroon ako ng maraming kaibigan pag sumali ako sa GANG

Tama, magkakaroon ka ng mga kaibigan, ngunit magkakaroon ka rin ng maraming kaaway. May mga dating kaibigan na hihiwalay sa iyo dahil ikaw ay kasapi sa GANG. Magiging pili na lamang ang iyong mga kaibigan. Ang kaibigan ay isang tao na hindi ka pababayaang mapasama at iintindi sa iyo. Sa GANG, uutusan ka sa ngalan ng loyalty na maari kang mapahamak, hindi ito tunay na kapatiran.

Ang GANG ay parang pamilya lamang

Mali ito, walang pamilya ang magtuturo sa iyo gumawa ng masama o ipahamak ang iyong buhay para makaramdam ng pagmamahal. Ang tunay na pamilya ay tatanggapin ka kahit sino ka man. Kung may problema ang iyong pamilya, hindi sulusyon ang pagiging isang myembro ng GANG. Malaki ang tyansa na ikaw ay mapahamak at ang iyong pamilya ay makakaramdam ng hinanakit dahil sa iyo. Hindi ka rin magiging magandang halimbawa sa iyong mga nakababatang kapatid o kapamilya. Hindi mo makikita ang pagmamahal ng pamilya sa GANG. Hindi lamang ikaw ang napapahamak o pwedeng saktan sa GANG, kasama na rin ang mga mahal mo sa buhay.

Magkakaroon ako ng maraming pera sa GANG

Karamihan ng kumita sa GANG dahil sa mga di tamang paraan ay panandaliang yaman. Ang tunay na paraan para yumaman ay magkaroon ang edukasyon at tamang diskarte sa buhay.

Hindi ako pwedeng kumalas sa aking GANG

Mali ito. Araw-araw sa buong mundo, marami ang umaalis sa kini-kanilang GANG. Maling paniniwala na ang tanging paraan para kumawala sa gang ay kamatayan. Marami ang dating GANG members na namumuhay ng normal ngayon. Minsan ay kailangang lumipat ng lugar para makapagsimula muli. Madaling pasukun ang GANG, pero mahirap lumabas dito.

Ang pag-iwas sa mga GANG ay ang pinaka-epektibong paraan sa lahat.

hip-hop is all about love, sharing and culture of peace... there is no place for violence as the founding fathers of hip-hop used this culture to avoid bloodshed.

sa lahat na nagsasabi na hiphop gangster sila, ito lang ang masasabi ko, di kayo kikilalanin ng mga tunay ng gangster, at sa history nila ay wala kayong maiaambag doon.

may nagsasabi na sa ibang bansa ay kinikilala nila ang "lokal" gangster, maganda iyon, but still do we have the news from the big G? hindi, ano contibusyon mo sa kanila? wala...


sana matigil na ang kahibangan ng kabataan dahil walang magandang nangyayari, ito ay

hate me if i am wrong...
that seldom happens...
---2dy (Block Propaganda)
Source: www.sigawngtundo.tk

Disclaimer: I have decided to re-post this article from 2dy (of the Block Propaganda) when I have read it. It interest me thinking that a guy from the deep hood of Tondo and one of the members of the Block Propaganda has written an article about his opinion about gangs. The above article is solely the views and opinion of the above writer (2dy, of the Block Propaganda).
This site, Rapista | Pinoy rap at its finest! (www.rapista.blogspot.com) and/or madshock does not reflect and/or represent the views, opinion of the above written article in any part or whole nor does it own any right whatsoever. Respect the opinion of others.

Thursday, February 5, 2009

(MARCH 2009) MIKERAPPHONE & OZONE MIXTAPE: MAGNIFICENT INSANITY



ANNOUNCEMENT:

MAGKAKAROON PO AKO NG ISANG UNDERGROUND MUSIC PROJECT KASAMA ANG ISA SA MGA MATATAGAL KO NANG KAIBIGAN, MAPAPERSONAL AT MAPAINDUSTRIYA, SI MAGNIFICENT OZONE, KAMING DALAWA ANG NASA LIKOD NG BOSES NI MUHAMMAD AT RAJIV SA KANTANG "ANGHANG" NA PALAGI NA LANG IBINIBINTANG KAY MICHAEL V. ANG TITLE NG SPLIT ALBUM NA ITO AY:

MIKERAPPHONE / OZONE - MAGNIFICENT INSANITY

MERON TONG 14 TRACKS PINAGSASAMA-SAMA NAMIN ANG MGA NAGAWA NAMING KANTA, MAGKASAMA MAN O SOLO. MAGKAKAROON DIN NG ILANG MGA GUEST SA ALBUM NA ITO, SA NGAYON AY HINDI PA FINALIZED KUNG ILAN ANG MAKAKASAMA NAMIN, ANG MAGANDA SA CD NA ITO AY NAILALABAS NAMIN ANG IBA IBANG BAHAGI NAMIN SA PAGSUSULAT, DAHIL SA PAGIGING MALAYA SA CONCEPT.

ITO AY PLANONG IPAMAHAGI NAMIN NG "WALANG BAYAD" O "LIBRE" DAHIL WALA SA PURPOSE NAMIN NA PAGKAKITAAN ANG MIXTAPE NA TO. KAYA MAKAKARINIG ANG SINOMANG MAGBEBENTA.

SA NGAYON AY TAPOS NA NAMIN ANG KALAHATI NG PROJECT NA TO AT KUNG LOLOOBIN, 2ND WEEK OF MARCH AY MAGKAKAROON NA TAYO NG WIDE ACCESS SA ALBUM NA TO.

IN 2-3 WEEKS MAG UUPLOAD AKO NG 30 SEC. PREVIEW SA ILANG MGA KANTA AT IUUPLOAD KO ITO SA IMEEM. KUNG ANOMAN ANG UPDATE AY IPOPOST KO SA SITE NA TO

KUNG MERON MAN KAYONG BLOG AY MALAKING BAHAY KUNG IPAPAMALITA NYO RIN ITO SA INYONG SITE, DAHIL SA PANAHON NGAYON, BINABAYARAN NA ANG PROMOTION, AT DAHIL KAMI AY DUKHA LOL MAKAKATULONG PO KAYO.

SA LAHAT NG INTERESADO, MAG IWAN LANG KAYO NG COMMENT AT SASAGOT NA LANG DIN AKO SA COMMENT SECTION.